Sinaunang Gresya
Ang Sinaunang Gresya ang kabihasnang Griyego na kabilang sa isang panahon ng kasaysayan ng Gresya na tumagal ng mga isang libong taon mula ika-8 siglo BCE hanggang ika-6 siglo BCE hanggang sa wakas ng antikwidad (ca. 600 CE). Pagkatapos ng panahong ito ang pasimula
ng Maagang mga gitnang panahon at panahong Bisantino. Kabilang sa Sinaunang Gresya ang panahon ng Klasikong Gresya na yumabong noong ika-5 hanggang ika-4 siglo BCE. Ang Klasikong Gresya ay nagsimula sa pagpapatalsik sa isang pananakop na Persa (Persian) ng mga pinunong Atenian. Dahil sa mga pananakop ni Dakilang Alejandro, ang kabihasnang Helenistiko ay yumabong mula Sentral Asya hanggang sa kanluraning dulo ng Mediterranean Sea.